DAYALEK – Barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng lugar o lokasyon (Dimenyong Heograpiko) ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
SOSYOLEK (Social/Group Dialect) – Barayti ng isang wika sa pagkakaiba ng group o pangkat sa lipunan (Dimensyong Sosyal). Ang salitang ito ay may kinalaman sa katayuan ng sosyo ekonomiko at kasarian ng indibiswal
IDYOLEK (Identity Dialect) – Barayti ng isang wika na nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal ETNOLEK (Ethnic Dialect) – Barayti ng wika batay sa mga pangkat ng etnolinggwistiko
EKOLEK (Ecological Dialect) – Barayti ng wika na nalikha sa tahanan
JARGON – bokabolaryo na nagpapakilala sa trabaho, larangan o gawain
REGISTER- iaangkop ang uri ng wika na gagamitin ayon sa sitwasyon at sa kausap. Maarin ginamit ito sa Field o larangan ng taong gumamit nito, Mode o Modo na paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon at Tenor naman kung saan iaayon sa relasyon ng kausap.
PIDGIN – tinatawag na makeshift language o nobody’s native language na binansagan ng mga dayuhan. Ito ay giangamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
CREOLE – mga barayti ng wika na nadedebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Hal. Dito ang pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (Chavacano), halong arican at Espanyol (Palenquero).