TEORYA NG WIKA

• Tore ng Babel
-Batay sa istorya ng biblia, iisa lang ang wika na kanilang ginagamit. Ngunit naging mapagmataas at nagambisyon ng maabot ang langit at nag tayo ng mataas na tore. Naguho ito at nagkaroon ng iba’t ibang wika.

• Bow – Wow
-Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto.

• Ding – Dong
-Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan.

• Pooh-pooh
-Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap.

• Coco
-Tunog na nagmula sa nalilikha ng sanggol.

• Babble Lucky
-Nagmula sa walang kahulugang bulalas ng tao, ito ay ang mga hindi sinasadya ar walang kabuluhang tunong na nalilikha.

• Lala
-Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa taong magsalita.

• Ta-ra-ra-boom-de-ay
-Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Ang mga gawaing ito ay katulad ng pakikidigma, pagtatanim, pagaani, pangingisda, pagpapakasal, pagpaparusa, panggamot atbp.


Posted

in

by

Tags: