Pagtutulad o simili – Di- tuwirang paghahambing ng magkaiba bagay, tao, o pangyayari sapagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa:
Ang buhay ay para tanghalan.
Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
Pagwawangis o Metapora – Tuwirang paghahambing, pagkat di gumagamit ng mga salitang panulad.
Halimbawa:
Isang bukas na aklat ang kanyang buhay.
Siya’y na di kayang abutin nino man.
Personipikasyon o pagbibigay – katauhan – Inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng kilos o gawi ng tao.
Halimbawa:
Mabilis na tumatakbo ang Orasan patungo sa kanyang tagumpay.
Pagmamalabis o hayperboli – Lagpas sa katotohanan ang mga pahayag kung susuriin.
Halimbawa:
Bumabaha ng pagkain at nalunod sa mga inumin ang mga dumalo sa kasalan iyon.
Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
Pagtawag o Apostrope – Pagkausap sa isang tao o inaaring tao na hindi naman kaharap.
Halimbawa:
O tukso, Layuan mo ako.
Kamatayan nasaan ka? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
Pagpapalit – saklaw o Sinekdoke – Pagbabangit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa:
Kagabi dumalaw siya, kasama ang kanyang mga magulang upang hingiin ang kamay ng dalagang
kasintahan.
Isang rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa inang bayan.
Onomatopeya – paggamit ng mga salitang kung ano ang tunay na siyang kahulugan.
Halimbawa:
Lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hanggin, ay bulong ng kalikasan.
Pagpapalit o Metonimi – Pinagpalit ang dalawa bagay o kaisipan.
Halimbawa:
Malakas siya talagang uminom, limang bote ay agad niyang naubos nang ganoon na lamang.
Ang kapalaran mo ay handog s aiyo na langit sa itaas na tinitingala ko.